marhgil Huh! Umpisa na ng bagong project. Natuloy din sa wakas. BKME naman, ano nga ba ibig sabihin nun? Basta Kuwarta, Magaling Eto. Hindi. Bankong Kulang Magpasweldo Eh. Hehehe. Seryoso nako. Bank of Kuwait and the Middle East. Lumalawak na ang scope of work ko. Dati, bahay lang sa Kuwait, Kuwait Finance House, ngayon, bangko na talaga, hindi lang sa Kuwait, sa Middle East pa! Teka, totoo bang may Middle East? Kung pag-uusapan ang direksyon, di ba, apat lang naman ang direksyon? North, South, East, West. Pwedeng North East, South West, etc.. pero wala yata akong napag- aralang Middle East?? Kung may Middle East, bakit walang Middle North? Middle South? Ewan ko, nalalayo nako. Itatanong ko na lang kay Sir Abreu pag nagkita kami. Anyways, okay naman yung call flow nila, using my coding technique, madali kong matatapos ito. Coding technique na copy, paste, edit. Copy from the old code, paste on the new code and edit! That's it. Buo na ang call flow. Ayos, di ba? Mukhang lumalapit na ulit ang impyerno dito. Alas dyes na ng gabi, ang init pa rin. Mainit ang hangin. Parang nasa kabilang ibayo lang ang impyerno at dala ng hangin ang init nito. Grabe, buti na lang, hindi pa dumudugo ang ilong ko. Inom lang ng inom ng tubig para mamoisturize yung katawan ko. Mahirap na madehydrate. Sa mga nakaraang buwan ng paglagi ko dito sa Kuwait, ngayon lang ako nagkaroon ng kasama sa bahay na ibang lahi maliban sa Indiano. Wala akong masabi sa mga nakasama kong Indiano, mababait sila. Pero ngayon, ibang lahi na naman kasama ko. Tingnan nyo na lang on my previous posts kung anong lahi nya. At ngayon, ilalabas ko na ang sama ng loob ko. Ano yun? Actually, hindi naman sama ng loob, ano lang, hinaing. Hehehe. Ano kasi, itong kasama ko ngayon, kakaiba eh. Kakaiba sa mga nakasama ko dati. Mabait naman sya, wala akong masabi sa kabaitan nya. Isa lang hindi ko kaya, na tuwing lumalapit sya sa akin, medyo lumalayo ako. Na pag manonood sya ng TV, lagi ako dito sa kabilang sofa at sya dun sa kabila. Ako mismo umiiwas. Bakit ka nyo? Siguro, nagegets nyo na. Na mas gugustuhin ko pa magtaxi na lang kesa sumabay sa kotseng sumusundo sa kanya na katabi ko sya sa loob. Ayoko mamula, pero totoo eh. May mga tao pala talagang hindi araw-araw kung maligo. At kuntento na sa pabango. Kaya naman iba na ang amoy nila. Ewan ko kung nakakahalata sya na iniiwasan ko sya. Pero di ko talaga matake amoy nya pag magkalapit na kami eh. Kaya lumalayo na ako. Hay, parusa ba to? Dyos ko, nagsisisi na ako sa mga kasalanan ko, pede, gawan nyo ng paraan na turuan sya maligo araw-araw? Tama na tito Aga!!! On the lighter side, ang sarap pala ng Guava juice. Lasang bayabas, syempre, guava juice eh. I mean, nung matikman ko yung guava juice, naalala ko tuloy ang aking kabataan, kung saan malimit kami dati magpunta sa parang para lang mamitas ng bayabas doon. Namiss ko tuloy ang Pinas, saan kaya dito makakabili ng totoong bayabas, yung hindi juice? Puro naman imported dito eh. Pag-uwi ko, magtatayo ako ng negosyo, factory kaya ng guava juice? Pumatok kaya?? Ewan ko. Bahala na. Yun lang muna. Sa mga nakakabasa nito, sana tulungan nyo ako magpray, na sana, matuto syang maligo araw-araw. :) Assalamalaikum Wa Ramathula Wa Barakahtu Masalam. |