eureka

day to day life of a 40-year old, single, unmarried, unhappy woman
2022-02-01 11:39:06 (UTC)

NAKAKAINGGIT NAKAKAINSECURE, USE THAT ENVY TO MOVE UP THE LADDER - FEBRUARY 1, 2022 – – Day 81 of my 40-year old life

NAKAKAINGGIT NAKAKAINSECURE, USE THAT ENVY TO MOVE UP THE LADDER - FEBRUARY 1, 2022 – – Day 81 of my 40-year old life

Dear self, sipag mo sa umaga part ha, woke up at 8am, zumba while waiting for students, posted some n87.

Nakakainggit, buti pa si Chi naka-braces na. Iba talaga pag mayaman. Sana nauso yun mga Tiktok, YouTube etc nun college pa ako, kasi spoiled pa ako sa daddy nun, ngayon si stepmom na ang pamper nya, okay lang naman, daddy and stepmom ang very nice and kind to me. Ewan ko lang ha kung pera ng daddy ginamit ni chi pero hindi naman siguro, kasi mayaman naman yun jowa nya.

Haaaaay gusto ko na gumanda, magkajowa, magkaipin. Kelan ba ako magiging financially free? Wala ako business na maayos or regular job kundi ito part time ko

At eto nagkecrave na naman ako sa kanin at ulam pero kinocontrol ko sarili ko pero lampas pa din 1200 ang calories ko today. Takaw ko kasi. So oks lang plan mo lang mabuti at disiplina dapat. Sabi nga ng daddy sya daw may control daw sya sa kinakain nya. Dapat ako din may control din sa kinakain ko. Idol ko sila eh. Sana maging kasingyaman ko ang daddy at makapangasawa ako ng mayaman. Swerte si stepmom ko pero deserve naman nya. She is a good 2nd wife to daddy.

Haaay habang isinusulat ko ito nagkecrave ako sa kanin. Kain na lang ako chips at least un ay 147 kilograms lang.

Grabe lagi na lang ako hindi npapaidlip, pag nakakatulog na ako parang iniisip k na need ko gumising at magproduce ng pera.

Nagsend nga pala ulit saken ang TTEC at naaccess ko na un assessment kaso hindi ako confident kung tama mga isinagot ko.

Sad ako today kasi talgang ramdam ko na bumibigat ako, hindi ko madala ang katawan ko at ilang araw na sumasakit ang tuhod ko, dati un left na knee ko pero ngayon pati kana eh.





Ad: