eureka

day to day life of a 40-year old, single, unmarried, unhappy woman
2021-12-04 19:41:06 (UTC)

SO SO - DECEMBER 04, 2021 – – Day 22 of my 40-year old life

SO SO - DECEMBER 04, 2021 – – Day 22 of my 40-year old life

Well, well, well. Maghapon, umaga tanghali hapon gabi, hindi pa din ko naka-$60 sa TT. Behind na ako sa goal ko.

Maybe may mali sa ginagawa ko. Meron talaga. And no excuses please. I am my own responsibility now. I am 40 now. I should be more mature in handling things.

Nakakainis talaga si A. Ano ba ang lagi nyang ginagawa at pasok sya ng pasok dito sa bahay, tigas ng mukha. Nilagyan ko ulit ng asin ang pintuan, para daw wag na pumasok sa bahay ang taong ayaw mo na pasok ng pasok sa bahay. Effective un eh ngunit parang naexpire. Lolz. Kaya aion nilagyan ko ulit. Sa mga nagbabasa, pagkalabas daw ng taong ayaw mo na pumasok sa bahay ay magbudbod ka ng asin sa pintuan pagkalabas nya.

Anyway, nakabenta na naman ako ng 100 pesos sa hikaw today. Yay! Gusto ko talaga lagi magpicture ng mga pangbenta at magpost. Feeling ko ang galing ko sa mga ganun. And good job ka self kasi kada nabenta mo simula ng nabasa mo yun TRMIB book ay nagtatago ka na ng 10% ng lahat ng nabenta mo.

Ngayon sabi dun ay you have to invest in yourself and learn daw.

Habol na lang ako bukas sa quota ko. $100 na ako dapat sa TT bukas so goodluck ghorl!

Oh, good news pala! Nagmessage si ate lisa na madami daw sya bibilhin sa mga tinda ko bukas. Fear ko lang pano pag dumirekta na sya online. Well, basta galingan ko. Magaling ako pumili at magmarket. And hindi mo mapipigilan dumiskarte ang ibang tao so basta galingan ko focus ako saken, take advantage of her, kumita ako natulungan ko sya. Yun.

Haay kulang pa ako ng 2k plus sa pangbayad sa bills ko sa dec 15. Sadly, halos lahat ng babayaran ko dun ay loans. So sana matapos ko na mga loans and wag na magrenew. At galingan ko na lang pagpasok ng pera sa akin, yun akin talaga.

Find other sources of income.




Ad: