eureka

day to day life of a 40-year old, single, unmarried, lonely woman
Ad 0:
PropellerAds
2021-11-23 10:17:45 (UTC)

PROMISE TO SELF - NOVEMBER 23, 2021 – – Day 11 of my 40-year old life

PROMISE TO SELF - NOVEMBER 23, 2021 – – Day 11 of my 40-year old life

So kanina, nakahiga ako after magpakain ng aso ng kapatid ko and I thought to myself, Ano na? 11th day na ng pagiging 40 ko, same old same old lang ginagawa ko, walang excitement, wala ako nilu-look forward to, walang kwenta, walang gana ang buhay ko.

Then sabi ko, ayoko sa buhay kong ito. So pano na, make money na lang, when I have money, makakatakas na ako sa worst life na ito.

Mas madali macontrol na magkaroon ng pera kaysa magkaroon ng taong magmamahal sayo ng bilang romantic partner nya and sex machine and bestfriend nya and mundo nya ganun. Mas madali mahanap o matagpuan ang pera kaysa asawa.

Today, I promise myself: CHECK WHEN DONE
[ ] I have my upper left teeth crowned.
[ ] I have my lower right teeth crowned.
[ ] I weigh 50 kilograms again.
[ ] I have my driver's license.
[ ] I am financially independent.
[ ] I have my iphone 11 back to me.
[ ] I paid all loans sa tao.
[ ] I moved in to my own condo.
[ ] I drive my own car now.

So many promises sa sarili ko nuon pa, years ago na hindi ko matupad. Pero focus ka na lang jan. Pag natupad mo yan, it shows that you are responsible. Patunayan mo sa sarili mo yan.

By the way, I lightened up my day from my loneliness buy buying the following online:

350 (via spaylater) - Planners, pens and correction tapes
575 (via spaylater) - Get Filed Scribble Planner
228.25 (cash) - Barbie Planner

Sobrang sumasaya ako whenever I have lots of pens, notebooks, books.

I also started using Macros app and ang galing nya. Better than Lose It app.

Currently re-reading: The Difference Maker by John C. Maxwell

Haaaayyyy naku, patapos na lang din ang araw eh nabwisit pa ako, kairita talaga si P. Pucha sya ang bobo nya, yun mga opinions nya at takbo ng isip, ang bobo kairita. ang katangahan ko naman nakisali pa ko sa usapan at lalo ako nairita sa kabobohan nya.

Bottomline, hello wag mo na nga kausapin yun ogag na yun. Focus ka lang sa makakatulong sayo.

Eto nmn si A talagang dito na naman pinatulog mga ank nya kainis! Bakit ba lagi nya ipinagsisiksikan sarili dito. Eto naman ogag na si P eh magkasundong magkasundo sila palibhasa pareho baluktot ang utak.

So what I have to do is totally ignore them and what they were doing.

And pag ok na ipin ko, apply ako work on site, find a condo or apartment, bring my things there and move out immediately.


Ad:0
https://monometric.io/ - Modern SaaS monitoring for your servers, cloud and services