Jan Brianna

Jan Brianna
2020-12-18 10:22:15 (UTC)

Aralin 8 Filipino 8

Natutunan ko po na ang ibig sabihin ng balagtasan mismo, ''Ito ay isang pagtatalo na nakabase sa isang partikular na paksa. Ito ay patula at nagtataglay ng tugma. Ang Balagtasan mismo ay pormal at ang kasuotang ginagamit rito ay pormal rin. Ang mga mambalagtas din ang sumusulat ng piyesang gagamitin nila rito''. May naniniwala ring pili ang mga salitang ginagamit rito.

Natutunan ko rin ang iba ibang katangian nito at pati na din ang mga gampanin ng mga taong bahagi nito mismo, pati ang tawag sakanila (Ang Lakandiwa, Mambabalagtas na sumasang ayon at ang Mambabalagtas na hindi sumasang ayon).

Satingin ko ay mahalaga ang Balagtasan pagkat unang una'y ito ay isa ngang pagtatalo na nakabase sa isang paksa; Ayon sa isang site, Ang paksang ito ay maaaring ang mga batas, relasyon ng tao sa Diyos, at iba pa (Ang dalawang paksa na ito ang pinaka nakapukaw ng aking isip pagkat, malungkot mang isipin ngunit Hindi ito mahalagang napag-uusapan). Satingin ko ay ang mga paksang ito ay mahalagang mapag-usapan dahil nakakaapekto talaga sila sa buhay nating lahat bilang mamamayan at mga tao mismo; Sila pa ang gumagawa ng sarili nilang piyesa at satingin ko'y ang proseso ng pagsusulat nila nito ay binabase nila sa sarili nilang mga moral at 'value' kaya satingin ko'y masasabi nating tapat o 'sincere' ang kanilang sagot at ''argument''. Sa ibang salita, Ang paksang mga pinagtatalunan ay naglalabas talaga ang opinyon, paniniwala at tingin sa buhay ng manunulat mismo. Maganda at mahalaga pa ang mga paksang ito.




Ad: