Venice

Venice
2020-11-19 08:39:00 (UTC)

Aralin 3, Filipino 8

Sawikain
Ang Sawikain ay bahagi ng karunungang bayan na ibig sabihin ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit na marahas na salita upang hindi makasakit ng damdamin ng iba o na iyong kausap. Ito rin ay tinatawag na Idyoma o eupemistikong pahayag isa rin ito sa na nakatulong upang lumalim ang kaalaman ko sa mga malalalim na salita sa Wikang Filipino at kahit hindi ito madalas na gamitin na katulad kong kabataan , ngunit magagamit ko rin ito sa tamang oras at pagkakataon.
Ang aking natutunan sa araling ito ay mayroon palang paraan upang hindi tayo makasakit sa iba gamit ang salita at paraan upang magbigay galang sa kanilang nararamdaman. At may mga salita pala na may mas malalim pa na kahulugan na ngayon ko lang natutunan, narinig o nalaman na magagamit ko sa araw-araw na pakikipagtalasan sa ibang tao.




Ad: