JM

JM
2020-10-24 07:38:18 (UTC)

Gintong Atin

Sa aking opinyon, malaking bahagi na malaman ko ang kasaysayan ng wikang pambansa upang mas maunawaan ko ang kahalagahan nito di lang sa kasalukuyan pati na rin sa nakaraan. Dahil sa dito, nalaman ko kung gaano kahirap at kung papaano nila naitaguyod ang ating lahi kahit na wala silang sariling wikang ginagamit. Siguro, dahil ninais narin ng ating mga ninuno na magkaroon ng wikang magagamit nila upang sila ay magkaintindihan at magamit upang maghimagsik sa pamamagitan ng pagsusulat.
Sa unang tatlong yugto na aking nabasa marami akong natutunan, ilan na rito ay ang dedikasyon ng ating mga ninuno upang magkaroon at maitaguyod nila ang ating wikang pambansa. Dahil sa dinami-daming lahi ang namuhay at nanakop sa ating bansa, ay nagawa parin nilang bumuo ng wikang pang-sariling atin. Natutunan ko rin, kung papaano ang sistema ng kanilang pamumuhay sa tatlong magkakaibang panahon.
Samakatuwid, mahalaga talagang maunawaan ang kasaysayan ng wikang pambansa upang mas mabatid ko at ng bawat isa ang kahalagan at importansya nito.




Ad: