Fam Gabrielle

Fam Gabrielle
Ad 2:
2020-10-22 11:46:38 (UTC)

Ang ating wikang pambansa

1. Oo, dahil bilang isang pilipino dapat muna natin alamin ang pinagmulan ng ating wikang pambansa bago mahalin o pagaralan ang ibang wika. Kailangan natin ito maunawaan dahil madaming bayani o mga pilipino ang gumawa ng paraan para mapanatili ang wikang tagalog mula noon hanggang ngayon. Maraming kabataan ngayon ang mas tinatangkilik ang ibang wika kaysa sa sariling wika kaya't nakakalimutan na nila kung ano ba talaga ang dapat na ipinagmamalaki nila. Kaya dapat ay mahalin at pahalagahan ang sariling wika dahil ito ang palatandaan natin bilang isang pilipino na itinatangkilik ang sariling wika kaysa sa iba.
2. Ang aking mga natutunan dito ay lumaban ka kung para ito sa ating bayan, walang mawawala sayo kung susubukan mo na ipagmalaki sa iba kung saan ka nanggaling at anong kultura ang iyong pinagmulan. Mas natutunan ko na mahalin ang ating wika lalo na nung nalaman ko na madaming humadlang bago maging wikang tagalog ang ating wikang pambansa, madami ding mga dayuhan ang nanakop satin na mas nahirapan tayong tangkilikin ang wika natin dahil nahahaluan tayo ng mga wikang banyaga. Akin ding nalaman na maraming beses nag kawatak watak ang ating lahi kaya nahirapan na itanim sa isipan ng mga pilipino ang kahalagahan ng isang wikang nagbibikas ng sari-sariling damdamin. Pero sa mga magigiting nating bayani na ginamit ang ating wika sa pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng kanilang damdamin ay mas natangkilik ito at ginamit na ng karamihan. Ang nakakalungkot lang isipin ay nag-uumpisa pa lamang na lumago ito ay napailalim na naman ito sa dayuhang wika. Kaya hanggat maaari ay mahalin at unawain mabuti ang ating wika bago ang iba.


Ad:2