Fam Gabrielle

Fam Gabrielle
2020-10-16 11:37:28 (UTC)

Barayti ng wika- Ekolek

Ang pamilya ang pinakamaliit at pinakamahalagang yunit ng isang pamayanan. At ang bawat lugar sa bansa ay mayroong tahanan. Sa loob ng tahanan ay mayroong isa o higit pang pamilyang naninirahan. Sila ay mayroong mga natatanging wika na ginagamit sa loob ng tahanan. Sila din ay nakagagawa ng kani-kanilang paraan para gamitin at banggitin ang mga salita para makapag ugnayan ng maayos. Tayo ay may iba't ibang barayti ng wika na ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag usap o ugnayan. Ang ekolek ang kadalasang ginagamit natin sa ating mga tahanan kapag tayo ay nakikipagsalamuha o nakikipag usap sa ating mga pamilya. Ito ay tumutukoy sa mga salita, kataga, o mga parirala ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng bahay. Ito din ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. Ako ngayon ay magbibigay ng mga halimbawa neto, Narito ang ilang halimbawa ng barayti ng wika na ekolek:
Nanay – mom – inay – nanay – mudra – mamshie
Tatay – dad – itay – tatay – pudra – pappy
Lababo – batalan – hugasan – urungan
bunso – baby – beh
lola – apo – inay – mamu – granny – inang – mommy lola
lolo – ingkong – itay – papu – lo – itang – papa lolo
silid – room – guest room – kuwarto
banyo – palikuran – kubeta – CR
platuhan – pamingganan – dispenser – dish rack
kain- am-am – papa – lantak
diko – ditse – sangko – sanse – ate – kuya
Parusa – palo – sinturunin – pingutin – hatawin
Iyan ang ilang halimbawa ng ekolek na ginagamit natin sa loob ng ating mga tahanan, marami pang ibang mga salita ang di ko naibigay maari kayong mag hanap pa ng iba sa google. Iyan ang pag ka intindi ko sa barayting wikang ekolek sana ay naintindihan niyo din ang gusto kong ipaalam.