Pauline

Pauline
2020-10-12 12:56:17 (UTC)

Paraan ng pag gamit ng wika sa aming bahay

Tagalog ang pinaka gamitin wika upang lahat ng tao sa aming bahay ay nagkaintindihan. At ito ang ang aming nakagisnan na wika. Ito din ang ating sariling wika kaya ito ang ginagamit namin. Ang una kong halimbawa ay ang pakikipag usap sa aming tatay. Nakikipag komunikasiyon sya samin sa pamamagitan ng "Video Call". Kinakamusta nya kami lagi kung ano ginagawa namin kung kumain na kami . At ganon din kami sa kaniya. Sa ganoong paraan nalalaman namin kung maayos ba ang kaniyang kalagayan sa kanyang trabaho. Lagi siyang tumatawag pag wala silang ginagawa sa kaniyang trabaho. Tumatawag siya tuwing ala sais na ng gabi dahil kami ay magdadasal na. At ang pangalawa ko naman na halimbawa ay ang pakikipag usap namin sa aming mama lagi nya kaming tinatanong kung nakapag links na kami ng amingg kwarto dahil ayaw nya na magulo at gusto nya na mapanatili nmin itong malinis. Ito ang pinakagamiting paraan ng pag gamit ng wika sa loob ng aming tahanan.