Czedrick

Czedrick
2020-10-03 16:12:14 (UTC)

KPWKP

Bilang pagpapahalaga, gamitin po natin ng tama at mayroong respeto. Saan mang dako tayo ay maparoon, lagi nating alalahanin at huwag na huwag kalilimutan ang wikang naging daan upang ang bawat Pilipino ay magkaroon ng unawaan. Umuunlad ang bawat isa sa iba’t ibang larangan sa buhay dahil sa magandang pakikipagtunguhan ng mayroong pagkakaunawaan.
Kung tayo man po ay magsasalita ng ating wika, iwasan po natin na ito ay haluan ng mga di kanais nais na mga kataga upang hindi pagtawanan ng iba. Gamitin lamang po natin ito ng maayos, tama at mayroong dangal, upang laging magkaisa at magkaunawaan ang bawat Pilipino.
-Czedrick Cariño




Ad: