Kevin

Journal
Ad 2:
2020-09-26 00:36:04 (UTC)

Barayti ng Wika

Mahal na talaarawan,
Ang Dayalek ay maaring makatulong sa akin, dahil may mga pinsan, tito at tita na nakatira sa iba't ibang parte ng Pilipinas, makakatulong ito sa pamamagitan ng pagkakaintindi ko sa kanila.

Ang Sosyolek ay maaring makatulong sa akin sa pagintindi ng mga ispesipikong mga "wika", katulad ng jejemon, conio speak at gay linggo.

Ang Ekolek ay maaring makatulong sa akin upang ako ay magsanay sa ganitong wika, dahil hindi ako lumaki sa Pilipinas, ay magaadjust ako at tatawagan ko ang mga pinsan ko sa kanilang palayaw sa Ekolek na wika.

Ang Register ay maaring makatulong sa akin upang magsalita ako sa pormal na tono, at pagsasalita sa di-pormal na paraan.

Kung sa lahat-lahat ng barayti ng wika, makakatulong ito sa akin bilang isang Filipino, magkakaintindi ako sa mga ispesipikong mga wika katulad ng Sosyolek, Idyolek, Etnolek, Register, Ekolek, Dayalek, at Pidgin at Creole, na ang lahat na ito ay upang walang magiging problema sa paggamit ko ng mga wikang ito sa ibang tao na mula sa pangkat, rehiyon, o group na iyon.

Lubos na gumagalang,
KEVIN LUGUE


Ad:2