Kurt

Kurt
2020-09-25 08:17:26 (UTC)

Journal A1-2

Magagamit ko ang barayti ng wika na dayalek halimbawa ay napunta ako sa Baguio at meron akong binili ngunit kailangan ko sila kausapin gamit ang wikang ilokano. Halimbawa naman ay pumunta ako sa San Fernando dahil may mga kamag anak kami doon sa Pampanga at kailangan ko makipag usap gamit ang kanilang wika na kapampangan. Ang Ekolek din ay magagamit natin sa araw araw dahil ito ang wika na ginagamit natin sa ating mga tahanan tulad ng pakikipag usap ko sa aking kapatid. Maaari din natin magamit ang Idyolek sa paraang pag nagkaroon na tayo ng ating trabaho katulad ng kila Mike Enriquez o isang newscaster ay pwede tayo magkaroon ng sariling estilo saa pag sasalita. Ang Sosyolek naman ay magagamit kapag nag uusap ang dalawang abogado at nag sabi sila ng salitang "Probono" na ibig sabihin ay mag dodonate sila o mag bibigay sila ng serbisyo sa mga tao.




Ad: