Francine

Francine
2020-09-25 04:27:18 (UTC)

Barayti ng Wika

Nagagamit ko ang barayti ng wika sa iba't ibang sitwasyon.Halimbawa, sa Sosyolek ginagamit ko ito kapag ako ay nakikipag-usap sa aking pamilya at kaibigan.Halimbawa na dito ang "wika ng mga beki" tulad ng charot o biro lang at Givenchy o pahingi.Nagagamit ko din ang Sosyolek kapag kausap ko ang aking mga kaibigan gamit ang mga coñotic tulad ng kain na us o kain na tayo at ligo na me o maliligo muna ako. Dayalek ,nagagamit ko ito sa aming lugar.Halimbawa ako ay nakikipag-usap sa aking mga kapatid gamit ang wikang Kapampangan.Nagagamit ko ang Register sa dalawang paraan ito ang pormal at di pormal.Pormal,ginagamit ko ito kapag kausap ko ang aking mga guro o kaya naman kapag ako ay nasa pagsamba.Di pormal,ginagamit ko ito kapag kausap ko ang aking mga kaibigan.Halimbawa nito'y ang pagsasabing "Hindi ako makakasama sainyo,wala akong datung".




Ad: