Alexia Frances

Alexia Frances
2020-09-24 12:24:40 (UTC)

Journal

Maaari kong magamit ang mga barayti kapag ako ay nasa aming tahanan. Nagagamit ko ang Ekolek sapagkat ito ay madalas na ginagamit sa ating tahanan, halimbawa ay ang pagtawag natin sa ating magulang. Pangalawa naman ay kapag kasama ko ang aking mga kaibigan. Nagagamit ko ang dalawang barayti ng wika, ang Sosyolek at Register. Ang sosyolek ay ginagamit sa isang partikular na grupo, kapag kami ay naguusap-usap may mga salita kami na kami lamang ang nakakaunawa. Ang register naman ay nagagamit ko kapag kasama ko ang aking mga kaibigan kapag kami ay nagbibiruan sa aming group chat. Pangatlo naman ay kapag ako ay nasa bulacan na, nagagamit ko ang barayti ng wika na Idyolek. Ako ay nagkakaroon ng puntong bulacan sapagkat dito ako nakatira. Pang-apat ay kapag kausap namin ang kaibigan naming kapampangan, naririnig namin sakanya ang wikang kapampangan at dahil dito nagagamit ko ang barayti ng wika na Dayalekto. Panghuli naman ay ang Pidgin na barayti ng wika, nagagamit ko ito o naririnig kapag ako ay nakakapanood ng video sa internet ng mga aktor, artista at grupo sa south korea na nagsasalita ng tagalog. Ang Pidgin ay walang sariling estraktura at ito tinatawag na lenggwaje ng wala ninuman. Ito ay ginagamit ng mga taong taga ibang lugar o bansa.




Ad: