Andrea Myles

Andrea Myles
2020-09-19 12:29:17 (UTC)

Journal-A1

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng isang wikang nagbubuklod sa ating mga Pilipino?
Maipapakita ko ito sa pamamagitan ng patuloy na pag gamit ng ating wika sa wastong paraan, Maari ko ito gamitin upang maging boses ng kabataan sa pagpapatuloy sa pag papahalaga sa ating wika. Nais ko rin ibahagi sa mga magulang na turuan ang kanilang mga anak sa pag gamit ng wikang Filipino sa kadahilanan na ang mga kabataang Pilipino ngayon na edad na 2-7 taon ay mas ginagamit ang wikang Ingles at hindi nakakaintindi ng wikang Filipino. Pag aaralan ko ang ating wika at ito ay iintindihin upang ang aking kaalaman ay maibahagi ko sa iba, sa paraang ito mapapahalagahan ko ang ating wika at ito ay aking maibabahagi sa iba. Tangkilikin natin ang ating sariling wika, tulad pagsuporta sa mga mang-aawit na gumagamit ng ating wika sa kanilang mga kanta at mga manunulat na ginagamit ang wikang Filipino sa kanilang mga sulatin sa pamamagitan man ng libro, kanta, tula at iba pa. Pagsuporta sa mga taong nag tataguyod ng pagsulong at pagpapahalaga sa ating wika, sa panahon ngayon marami na rin ang hindi nagpapahalag sa ating wika dahil na rin sa mga impluwensiya ng ibang mga bansa, kaya sa pag suporta sa kanila makakatulong tayo sa pagtataguyod ng pagpapahala sa ating wika na ito ang nagbubuklod sa ating mga Pilipino.




Ad: