Limuelle

Limuelle
Ad 2:
2020-09-19 13:57:42 (UTC)

Wika

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda"

Isang kataga na nagmula sa ating pambansang bayani - Gat Jose Rizal. Simula sa mga simbolo, baybayin hanggang sa pagkakabuo ng wikang Filipino. Napakaraming pinagdaanan at ipinaglaban ng ating mga bayani at kapwa Pilipino upang mapanatili ang ating kultura - kasama na ang wikang Filipino. Pinanatili at pinaglawig ng mga Pilipino ang ating sariling wika na nagbigay ng pagkakakilanlan sa buong bansa.

Bilang mga kabataan ng bagong henerasyon at pagasa ng bayan, dapat rin nating gawin ang lahat upang mapaglawig at mapanatili ang ating sariling wika. Walang masama sa pag-aaral ng mga bagong lenggwahe na tutulong sa atin upang mapaunlad ang sarili at bansa ngunit dapat nating tandaan na may obligasyon at responsibilidad tayo na paglawigin at patuloy na gamitin ang ating sariling wika na isa sa mga nagsisilbing kultura at pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.


Ad:2