Kristell Grace

Pananaw sa pagkakasundo
2020-09-03 14:25:07 (UTC)

Pananaw sa Pagsundo

Ang pagkakasundo ay isang daan para sa kapyapaan,pagmamahalan at kasiyahan natin lahat. Ito ay mahirap na gawain dahil marami tayong pagkakaiba at mga bagay na hindi nakakapg intindihan pero pag tayo ay magkasundo ito ay magiging isang hakbang para sa pag hubog sa ating mga sarili at paghubog sa pagpapakatao natin. Pagkakasundo ay isang gawain hindi lang para sa isa kundi para sa lahat na nakatira sa mundo natin, isa ito sa mga halimbawa ng madaling sabihin pero mahirap gawin. Naniniwala ako na ay unting unti natin makakamit sabay sabay dahil alam natin sa ating mga sarili na ang pagkakasundo ay ang ating lahat hinhangad at inaasam makamit sa ating mga buhay. Nakadepende ang mga kabataan sa atin na magkakasundo dahil ang ating mga ginagawa at pagkakasundo ay maapektohan sila ngyon hangang sa paglaki nila. Bilang isa kabataan ito ay hinhangad ko araw araw dahil ito ay makakatulong sa ating buhay pag lahat tayo ay magkasundo sundo, mas mababawasan ang ating mga problema sa buway at mas madadali natin ma sulusyonan ito dahil tayo ay nagkakaisa. Hindi man natin ito makakamit ngyon pero bilang anak ng Diyos ako ay naniniwala na hindi niya tayo papabayaan at balang araw tayo diin ay papagsundosunoin niya ,lahat ito ay mangyayari sa tamang oras .Sa gabay at paalala nang ating Diyos ay makakamit natin ito sa takdang panahon kaya paratii ko tong tindasal kasi ito an susi sa kapayapaan at sa pagmamahalan sa lahat nag uri,kulay at edad ng mga tao. Ang pagkakasundo ay isang tinik na gusto natin makuha sa ating puso dahil ito ang magiging liwanag sa lahat ng buhay natin kasama ang ating pinakamamahal na Diyos.




Ad: