Diwata

Para sa mahal ko
2016-02-28 18:11:09 (UTC)

Dear Love. JCPA pt2

Mahal, mahal kita. alam ko hindi mo ako papaniwalaan. alam ko mali ako. alam ko na mahal kita pero nagkakamali ako madalas. hindi ko alam kung pano maniwala sayo, hindi ko alam kung pano magtiwala sayo. natatakot ako na ikaw ang unang umalis kaya marahil madalas ako ang umaalis. iniiwan ka. mag isa. umiiyak. humahagulgol. nagmamakaawa. humihingi ng tawad. pero nandyan ka iniintay ako sa pagbalik ko, bukas kamay na tatanggapin ako sa mga pagkakamali ko na para bang isang siklo lang ito na paulit ulit at walang tigil pero mahal, mahal kita. ako man lagi o madalas ang nakikipaghiwalay mahal,mahal kita. intidihin mo na nasasaktan ako. intidihin mo na kadalasan sarili ko lang ang iniisip ko. intidihin mo na sinungling ako. intindihin mo na makasarili ako. intindihin mo na wala akong tiwala sayo. intidihin mo. intidihin mo. pero mahal, mahal kita... at alam ko, na iniintindi mo. lahat. kahit nahihirapan ka. kahit nasasaktan ka. kahit hindi mo na kaya. kahit pagod ka na. kahit wala ka nang lakas. kahit nakakahiya na. kahit mababa na ang pride mo. mahal. salamat sa lahat. mahal, mahal kita.


Ad:0
yX Media - Monetize your website traffic with us