Diwata

Para sa mahal ko
2016-02-21 17:56:17 (UTC)

Dear Love. JCPA edited 2/29/16 2:10am

Mahal. Ilang beses ko bang sasabihin sa sarili ko na namimiss na kita bago kita kalimutan? Ilang beses ba akong mag pupuyat? gigising sa umaga na wala manlang buhay na natitira sa sarili ko? Mahal, gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita at hindi kita iiwan. pero iniwan kita. patawad. pero gusto ko lang malaman mo na lahat ng alaala natin maganda man o madalas ay masama ay aking ka-iingatan at aalalahin dahil mahal kita. mag mahal man ako ng iba. mag mahal ka man ng iba hindi magbabago ito mag kalimutan man tayo sa mga nangyare ngayon na siguro makalimutan mo ako mahal, mahal kita. mahal, mahal kita pumuti man ang buhok mo magkakulubot kulubot man ang balat mo, mahal, mahal kita at alam ko narinig mo na yang mga yan at alam ko hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko mahal, dahil iniwan kita pero ang alam ko mahal, mahal kita at alam ko mahal mo rin ako. At siguro hindi man para satin ang buhay na ito marahil sa susunod na buhay satin na o marahil hindi man sa susunod ay sa susunod pa. alam ko at hindi ko kakalimutan hindi ako titigil hanggang sa para satin, para sa isa't isa na ang buhay na iyon, mahal alam ko madami tayong pagkakaiba mahal alam ko madami akong pagkakamali pero isa lang. isa lang, isa lang ang pinagsisisihan ko. yun ay ang magsinunangaling sayo. mahal patawarin moko, mahal, mahal kita.


Ad:0
Try a new drinks recipe site