Ms.Nightmare

Mindless Dreaming
2015-07-19 13:31:43 (UTC)

More Than Just A Dream💭

Dear💑,

I think i already saw you! Oh my gowd oh my gowd! Nakita na kita!!! The other day, I dreamt of someone, two guys that i never encountered nor saw in my whole life of exsistence...so here's how my dream goes, Nasa Isang resort daw kami ng family and relatives ko and dun daw kami nakatira, tapos wala daw akong ginawa kung di lumangoy ng lumangoy...dun daw ako nag aaral magswimming mag isa😂...at sa kabutihang palad kahit self support ako matuto lumangoy ay natuto naman daw ako, pero tuwing nagswiswimming daw ako merong isang guy na nanonood lang sakin... I don't know who he is pero andun siya, hindi ko matandaan ang exact niyang itsura pero ang alam ko maputi siya at medyo makapal yung kilay niya, more like a foreigner...yung itsurang gustong gusto ko sa isang guy😊 at payat siya...well, pabebe ako dun sa panaginip ko, iniisnob ko siya, i dunno why😂 ang gwapo niya pero wah pakels ako sa kaniya sa panaginip kooo, then one time daw habang nagswiswimming ako biglang katabi ko na siya...Hindi daw siya marunong lumangoy...so ako naman okay edi hinde, so lumobog daw ako para itry abutin yung baba para malaman kung gaano kalalim, eh parang nabibitawan ko daw yung kinakapitan ko, hindi ko pa daw naabot yung pinakababa, ewan ko kung paano ko narinig yung tita ko nun na sumigaw at sabi niya hindi naman daw ako marunong lumangoy. Bigla nalang akong hinila pataas nung guy at kilala ko kung anong pangalan niya! siya si SHINN(ewan ko kung coinsidence lang na kapangalan niya yung guy sa binabasa ko or Shinn talaga ang pangalan niyaaa)posible palang makilala mo yung nasa panaginip mo?😅... Pagkaalis ko daw sa ilalim ng tubig halos kapusin daw ako ng hininga at EWAN KO KUNG BAKIT Parang nalunod daw ako kaya kumapit ako sa kaniya!! To be exact sa leeg niya, ang awkward ng posisyon ko dahil yung paa ko daw nakatali sa hips niya😭 gets niyo ba? Yung parang paginubuhat ka ganern. (I didn't tell this sa ate ko dahil nahihiya akooo hahaha!)pag ahon ko daw at dilat ko, sobrang lapit naming dalawa sa isat isa(malamang diba?! Posisyon palang eh!😭)... Tapos biglang nagshift yung scene, papunta daw ako sa kitchen, hinahanap ko daw si Shinn, saktong nandun daw tong isang guy na hindi ko nanaman kilala kung sinoo, gwapo siya at mahaba ang buhok...parang prince ang itsura nung tinanong ko daw sa kaniya kung asan si Shinn sabi niya wala na daw, pinaalis ni Tita ko dahil ayaw daw nila si Shinn para sa akin...dahil ang gusto daw nila is itong long-haired guy...kaya tumakbo daw ako, nagpunta sa mall para hanapin si Shinn, pagdating ko dun nandun si Paolo E. Nilapitan ko daw sila nung friends niya dahil nararamadaman ko daw na tungkol sa akin nanaman yung nakasulat sa papel na hawak niya naipapakita niya sa friends niya...pero nung binasa ko hindi naman pala kaya balik na,an daw ako sa paghahanap kay Shinn, habang hinahanap ko siya nasasaktan daw ako dahil hindi ko siya makita(posible din palang makaramdam ng sakit sa panaginip?)...buti daw bigla kong nakita si Tricia, nilapitan niya daw ako tapos sabi niya bigla 'Paano kung alam ko kung asan si Shinn mo?' Tapos nginitian niya daw ako tapos nabuhayan ako ng loob at agad na tumakbo at sinundan si Tricia, pagdating namin kung saan hinahanap ko si Shinn pero si Paolo C. Ang nandoon, sabi ko kay tricia 'Asan si shinn?!' Tapos tinuro niya si Paolo kaya napasimangot daw ako at napapikit sa inis..Then AYUN naggising nalang ako bigla! Sobrang ganda ng gising ko at kilig na kilig ako paggising na paghising kooo grabeee...Ano kayang ibigsabihin ng panaginip ko? Haaayy Shinn, lecheee kinikilig ako sa pangalan mo! At dahil kilala na kita, Shinn na ang tawag koo sayo hah?😁 oh mooo! Shinn! See you sooon!💋 i know, you're more than just a dream!

💌S




Ad: