Topsy Kretts

Breathing in the same sequence
2009-03-11 21:50:34 (UTC)

...... ....... ...... ......hay

pakiramdam ko, sa lahat ng nagtetraining sa amin...ako lang
ang talagang may kailangan sobra na matanggap, pero the way
things are going...malamang ako pa ang malaglag after
training....for obvious reasons...slow learner nga ako, slow
thinker at madaling magpanic, walang logic at mahina sa
problem solving.
Kanina, nalaman ko na ito sa trainor namin,nakakadepress talaga.
Minsan mabuti pa nga yung hindi sumusubok...atleast hindi
napapahiya at hindi na rereject o nadidisappoint.
Worse...i feel so alone...again...alam ko andyan parin si
God, pero parang hindi yata ito ibibigay sa akin, paano na?
Mabuti pa yung mga kasama ko, kahit di sila matanggap, may
nakaalalay sa kanila...sa akin...sino?
Palagi namang ganito e...
Haay...sobrang nakakapanghina ng loob at nakakalungkot ang
situation ko...
Sa totoo lang...pinipilit ko lang naman sarili ko dahil
kailangan, kung tutuusin, kung pwede lang ayoko na talagang
mag isip o kumilos...pagod narin namn ako talaga at gusto
kong magpahinga lang hanggang mamatay na ako e.
Hay, bakit ba ganito...naaawa lang ako lalo sa mga anak
ko...kase bat ako pa ang naging nanay nila e. Mahal na mahal
ko man sila pero kulang talaga ako...di ko masapat ang
sarili ko paera sa kanila, gustuhin ko man.
Bakit naman kasi ganito ang naging kapalaran ko e...=(
Dios ko, ikaw na po ang bahala sa lahat...pakiramdam ko po
nag iisa nanaman ako sa lahat ng ito. wag mo po sana akong
iiwan gaya noong hindi pa po kita nakikilala ng
tunay...noong mag isa lang ako. Ama, ayoko na pong mag isa
ulit...maawa ka po. =(




Ad: