Topsy Kretts

Breathing in the same sequence
2007-09-11 18:19:50 (UTC)

mahirap matulog ng maayos =( september 12 2007

buong gabi akong nagtutulog...pero pagising gising
nagigising ako sa mga bangungot...
sa isa sa mga ito sumingit nanaman
yung tugtog na gloomy sunday
nakakainis na...
pawang mga lucid dreams...
sa isang gising ko naman...nangangamoy lupa ang kwarto
galing siguro sa labas..ngayon lang nangyari ito...
nakakairita...na nakaka ewan...
bumaba ako at uminom ng tubig
naisip kong magpahangin sa terrace
bigla namang umalulong yung aso sa kalsada
kinilabutan ako ...
kaya heto...gising parin ako...
naghihintay na makalma...
naghahanap ng masisiksikan
pero wala dahil ...wala...dahil nag iisa ako
at kailangan kong maging matapang...
o umiyak at magtalukbong....
alin man sa dalawa ay hindi ko narin alam
kung sapat para mawala ang lahat ng mga ito...
nag text ako kay Raffy gamit ang Ym kase wala akong load
maiksi lang...gusto ko lang ipaalam hindi ko alam kung
bakit
siguro kase sya na lang ang taong nakakausap ko ng ganito..
siguro dahil kapag nakakausap ko sya nawawala ang mga
takot ko
kahit sinasaktan nya ang loob ko...
malaki parin ang naitutulong nya sa akin...
mahal ko parin sya ...kailangan ko parin sya...
nalulungkot ako kasi hindi nya nararamdaman para sa akin
ang nararamdaman kong ito sa kanya...sayang...=(
napakasaya ko na sana...*sigh =
pero sa kabila nun...di ko naman matutumbasan ang lahat ng
ginagawa nya para sa akin....
ang gulo no? minsan tuloy hindi ko alam kung alin ang mas
totoong karapat dapat na ituring na totoong nagmamahal sa
aming dalawa eh. @.@
inaalis nya ang mga takot ko...malaman ko lang na
nariyan sya...kahit wala sa tabi ko...
nakakalma na ako...
kahit nga para akong nag text sa hangin basta alam kong
pupunta rin sa kanya yun...ok na ko...
ewan ko ba kung ano ito...
di ko maipaliwanag kung ano itong natagpuan kong ito sa
kanya.
kailangan ko sya yun lang ang naiintindihan ko =(
pero sana maramdaman ko rin ang safety...security...kahit
nag iisa ako...
isa akong ina at hindi isang batang musmos! =(
sana hindi ako ganito dahil kailangan kong maging matapang
para sa kanila!
dahil ako lang naman din ang mag poprotekta sa mga anak
ko....=(




Ad: