marhgil

marhgiL's kukote
2004-03-13 21:06:42 (UTC)

Cricket, Climate at Pagkain

Nakaorder na ako ng pizza. Dumating na si Avinash. Medyo
hilo pa rin ako, siguro, gutom lang ito. Nasa 7th floor
pala sya, sa mga kasama rin nyang pana, nanood daw sila ng
cricket. It seems na meron yata ngayong grand tournament ng
cricket and most of the Pana are interested in it. Isa daw
yun sa pinakasikat na sport sa kanila, kung sa atin ay
basketball. Sa office, iisa na nga yung dial-up na
internet, mag-iinternet para lang makita kung ano yung
score. Kung nananalo na ba sila. I still remember watching
this sport on my old apartment, si Kannan pa ang kasama ko
sa bahay. May dala syang VCD ng one of the greatest match
daw in the history of cricket. Nanood lang ako, habang si
Kannan naman ay nagpapaliwanag sa akin ng mga rules. Kung
bakit ganun, paano nakakaiscore, etc. Hindi ko nga lang
matandaan ngayon kung ano na yung rules. Ang alam ko, isang
palo, pinakamataas na score mo ay 6. Yung parang homerun
kung sa baseball. Yun lang alam ko, anyway, I don't have
plans naman of becoming a cricket player someday :).
Basketball nga sa Pilipinas, hindi ko nakahiligan, ito pa
naman kaya.

Habang tumatagal ako dito sa Kuwait, unti-unti na rin akong
nakapag-adjust. Ang bilis magbago ng climate dito. Last
month, nung bago akong dating dito, kahit tanghaling tapat,
nakajacket ako sa tindi ng lamig. Ngayon naman, kahit gabi,
buhay ang aircon dahil baka mamatay sa init ng panahon.
Hehehe. Pero hindi pa naman ganoon kainit, 26 degrees
Celcius pa lang naman maximum. Hindi pa katindihan. Siguro
naman ay hindi ko na aabutin yung naranasan ko last year na
umaabot ng 50 degrees ang init sa katanghaliang tapat. Na
8:00PM na, ayaw ko pa rin lumabas ng bahay dahil ang init
ng simoy ng hangin, parang nasa harap ka lagi ng camp-fire.
Sana nga by mid-april makauwi na ako. I have plans na
tapusin na lahat ng pending requirements by this week. Sana
lang ay wala nang bago pang requirements na dumating. Sana,
matapos na ng makauwi na at makabalik sa Pilipinas. Kahit
malaki ang kita dito, I still prefer working in the
Philippines, malapit sa pamilya.

Nakakamiss ang nilagang baboy at gulay na kadyos ng inay.
Gusto ko na ulit na kumain ng balut na tinda doon sa kanto
malapit sa apartment namin sa Evangelista. Ang makulit na
pamangkin kong si Ineng, na tuwang tuwa sa aking ka"cute"
tan, na lagi daw ako ngayong hinahanap. Ang chickenjoy at
palabok ng Jollibee. Puro pagkain yata nasa isip ko. :)
Gutom na nga ako. Ang tagal naman ng inorder kong pizza. 15
minutes pa!




Ad: