marhgil

marhgiL's kukote
2004-03-03 20:45:31 (UTC)

Bug, bug, bug.... at marami pang bug

Nag-umpisa na ang testing ng KFH. At nagulat ako! Ang
system na akala ko ay ok na based on my standards, ang
daming bug reports! First testing day, I received 5 bugs.
Nung ireview ko, hindi naman bugs eh. Ito kasing mga taga
KFH, wala naman sa requirements nila, tapos hahanapin dun
sa application ko. Nung sagutin ko yung mga "bug" report
nila, simple lang. Ixinerox ko yung requirements definition
nila, at sinabi ko, ito lang yung pinagagawa nila, ito ang
ebidensya. If you want this added feature, this will be an
enhancement, a new requirement which may require you to pay
additional charges. Hehehe.

Ito namang si Khalid, manager sa KFH. Hindi yata
nakakaintindi sa tinatawag na SOP. Ang usapan kasi, lahat
ng bug report, dapat documented, dapat isubmit dun sa
manager namin. Yung manager ang kakausap sa amin at
magbibigay ng instruction kung paano isosolve yung bug.
Aba, at lagi na akong tinawag, dapat daw ayusin ko yun.
Sabi ko nga, please follow the necessary procedures. Submit
a bug report and we will fix it, Ok.

Next testing day, aba, at lalong dumami! 15 bugs! When I
checked, 1 lang yung totoong bug. Puro xerox na naman
inabot ko para ipaliwanag sa response ko na this is not
part of your requirements. Yung isang bug daw, nakakatawa.
Nung mag-enter daw sya ng card number and pin number, nung
mag-access sya ng credit card, ang dami daw nya credit
card, hindi naman daw kanya! Nung icheck ko, yun ang
nakalagay sa database nila! Sa database lang naman nila
kami nagdedepend. So ang response ko, based in your
database, the credit card is yours! Hehehe

Heto pa, ang sabi dun sa isang bug report, the caller must
not access the fax statement if he did not use the card for
a long time. Malay ko ba kung kelan nya huling ginamit yung
card nya, hindi naman supported ng functionality ng DLL
nila yung ganun.

Ito pa ang isa sa nakakatawa. 2 bug report, contradictory.
Sabi nung isa, when the account is zero balance, the caller
is not allowed to access standing order. So, inayos ko.
Report ko, fixed. The next day, nung magtest ulit sila, may
isa na namang bug report. When the account is zero balance,
the caller is still allowed to access standing order. Sabi
ko, ano ba talaga gusto nyo??? Papayagan ko ba o hindi?
Dati, pinapayagan ko, pinaalis nila. Nung maalis ko, mali
daw, dapat daw, payagan ko. Hay naku! Icaclarify pa raw
nila.

Isa pa, hindi raw sinasabi kung debit or credit yung
balance sa credit card. So sabi ko aayusin ko. Tinanong ko
ngayon sila, wala kasi sa documentation. If the credit card
balance is negative, is it credit or debit? Hindi masagot
ang tanong ko, nalilito raw sya dun. Itinuro ako dun sa
isa, nilapitan ko, hindi raw nya alam, lito din daw sya!
Ano ba naman kayo?? Mga taga Kuwait Finance House ba talaga
kausap ko?? Nag-email pa sya sa kasama nya dun sa main
office para masagot lang tanong ko. Ang sagot... secret..
hehehe.

Sige, hanggang dito na lang. Bukas daw, marami pa silang
bug na ibibigay sa amin na nagpapakabag ng tyan ko. Hehehe.
Ang saya ko ano?

God bless everyone.




Ad: