marhgil

marhgiL's kukote
2004-02-27 19:46:47 (UTC)

On Presidential Debate atbp

Naghamon si Roco ng debate sa mga kalaban nya. Sumagot si
Gloria, anytime, anywhere, basta kasali si FPJ. Sumagot si
FPJ, basta sa slum area, payag ako.

Nag-organize ng debate ang comelec. Sa meeting, walang
dumating na representative si FPJ. Sabi ni GLoria, kung
wala si FPJ, di na ako sasali. Sabi naman ni Ping, kung
hindi sasali si Gloria, wala ng silbi ang debate, hindi na
rin sya sasali.

Sa nakikita ko, lahat sila, sariling interest ang iniisip
at hindi ang interest ng taong bayan. Kung sincere sila na
ipakita ang kanilang plataporma, kahit walang debate pwede
nilang gawin yun.

Naghamon ng debate si Roco dahil sa nakikita nya, talo sya
based on surveys at sa pamamagitan ng galing nya sa
pakikipagdebate, makakaattract ito ng mga boto. Ang hirap
nga naman mangampanya at gumastos na wala ka ring pag-asang
manalo. By means of a debate, exposed ka na sa Media, hindi
ka na gumastos, naipakita mo pa na magaling ka sa debate,
nakuha mo pa ang boto ng kalaban mo. Ayos, di ba?

SI Gloria naman, sasali lang daw kung kasali si FPJ. Bakit?
Kasi, obvious naman na talo sya ni FPJ sa popularity. Kung
makakalaban lang nya sa debate si FPJ at maipakita sa
publiko kung gaano sya kagaling sa mga plataporma nya,
makakaiskor sya. FPJ is the man to beat, kaya kailangan nga
namang present si FPJ.

SI Ping naman, dahil gustong tuluyang ilubog at ipahiya si
Gloria, wala nga namang silbi kung absent si GLoria sa
debate. Siguradong Pidal account at kung ano anong graft
and corruption sa gobyerno ang ipang-aatake nya kay GLoria,
makakapuntos sya sa publiko. Kung wala si Gloria, sino pa
aatakihin nya? Si Roco?

Yung dalawang Eddie, ang masasabi ko lang, ibigay nyo na
lang sa akin yung campaign fund nyo. Sayang lang, obvious
naman na wala kayong panalo, asa pa kayo. Hehehe. Maganda
ngang panglagay yan sa resume kung nag-aaply ka sa
trabaho.Hehe. Nahihiya lang kayong gawing "nuisance"
candidate ng COmelec, pero let's accept the fact na
nagsasayang lang kayo ng pera. Ibigay nyo na lang sa akin.
Hehehe. What I mean, kung gusto nyo talagang tumulong,
pwede naman kayong tumulong in your own way, na hindi na
kailangang tumakbo pang presidente at mag-aksaya ng pera sa
pangangampanya na obviously, wala naman kayong panalo. Kay
Eddie Gil na magbibigay daw ng 1 million pesos sa bawat
Filipino pag nanalo sya, hindi mo ba kayang ibigay ngayon?
Ibigay mo na sa akin yung para sa akin, kung talagang gusto
mong tumulong, kaya mo kahit hindi ka presidente, di ba?
hehehe.

Ang masasabi ko naman kay FPJ, umiiwas ka sa debate kasi
alam mong talo ka pagdating sa pakikipagtalo. Ok sana yung
alibi mo, kaso, bigyan mo naman kami ng kahit konting
impormasyon kung anong gagawin mo pag nanalo kang
presidente. Naniniwala ako na hindi sa debate nasusukat ang
galing ng tao kundi sa gagawin nya. E ano bang gagawin mo?
Magpapauto ka lang ba kina Angara at Sotto? Show us, kahit
konti, na yung FPJ sa pelikula na nakilala at iniidolo ng
masa ay sya ring FPJ na iboboto nila na makakapag-ahon daw
sa kanila sa kahirapan.

Sa masang Pilipino, wag nating iasa sa presidente ang
ikauunlad ng buhay natin. Naniniwala pa rin akong sa sarili
natin, kung magsisikap tayo, kahit sino pang presidenteng
mahalal, uunlad tayo sa ganang sarili natin.

God bless.




Ad: