2004-05-09 20:06:46Draw??, by marhgilAyoko sana magpost ngayon, but I can't stop myself na palampasin ang mga huling pangyayari without giving my comments. Naghanap talaga ako ng channel kagabi kung saan pwede kong mapanood ang laban ni Pacman. Kaso, talagang wala. So, sa internet na lang ako nag-abang ng balita. Hindi ko napanood ang laban, pero with the articles that I have read, wala yata akong nabasa na tama ang desisyon ng judge na draw ang laban. Lahat sila, nagsasabi na nadaya si Pacquiao. That he knocked Marquez three times in the first round. Ang matindi pa, umamin yung isang judge, si Clements na nagkamali daw sya ng pagbigay ng score sa 1st round, hindi nya raw alam na pwedeng magbigay ng 10-6 na score, kaya 10-7 ang ibinigay nya. Hay naku, it only shows na life is really unfair here on earth because there are stupid people around. Ang masasabi ko lang, everybody knows who the real winner is. The whole world saw the fight (except me, hehe), sa atin pa rin ang huling halakhak!!!Sana split decision yun eh, eto kasing si Clements, scoring laang eh hindi pa marunong. Dapat naman ay bago sya pumasok at nagscore ay nagreview muna sya at nagtanong kung hindi sya sigurado sa isusulat nya. Dapat ay nag-aral muna sya ng advanced math kay Sir Ronquillo... hehehe. Anyways, nangyari na ang nangyari, that is already a part of history... wala na tayong magagawa... andyan na eh. Pag nakita ko na laang si Marquez na gagala-gala minsan doon sa amin sa Ilat.. e babatuhin ko na laang... hehehe. At yung matandang judge na nagscore ng 115-110, e reregaluhan ko ng salamin at isang malaking kalabasa para luminaw ang mata. Hehehe. Sige po... salam. A free online diary - http://www.my-diary.org/ |