marhgil

marhgiL's kukote
2004-03-13 21:47:32 (UTC)

Bonding, Word for the Day, Abu Sayyaf, That's All

Hay. Sarap kumain. Dumating din sa wakas yung inorder ko. I
feel better now. Naalis na ang hilo. Antok naman ang
pumalit. Papahinga lang ako ng 30 minutes, tutulog na rin.

Maikwento ko pala, ang saya ngayon sa office. Kahit
magkakaiba kami ng lahi, nagkaroon na ng bonding. Hindi
kagaya dati na mga hindi nagkikibuan. Ngayon, lahat kami,
magkakabarkada na. Kung maglokohan, parang ewan. Sabay-
sabay kumakain. Helping each other, kung may maitutulong.
They even asked me to teach them some tagalog words. Like,
ano raw tagalog sa "I love you." Ano raw tagalog sa "You
are beautiful." Ito kasing kasama kong isang si Shakeel,
malimit kumain sa Burger King, may natitipuhan yata. Gusto
daw nya sabihan ng "you are beautiful".

One time, dumating yung kabayang taga Metco na nag-aayos ng
switch. Magkakabarkada na rin kami at kabiruan na rin nya
yung mga pana kong kasama. Itinanong sa akin nung kabiruan
nya kung ano raw tagalog sa "I will kill you", so sabi
ko, "papatayin kita". Tapos, sinabihan nga nya. Sinagot ba
naman niya "SUPOT KA!" Syempre, ako lang tumawa at saka
siya. Nung itinanong sa akin kung ano ibig sabihin, sabi
ko, "you are not circumsized!" Nung marinig ng mga kasama
naming pana, yun ang naging word for the day. Kada
makaharap na tao nung si Shakeel, sinasabihan nya
ng, "Kumusta" "Supot ka!" hehehe. Ewan ko lang kung may
naoffend sa mga pana, but they all laugh when they found
out the meaning. Ang alam ko kasi, may mga pana ngang supot
talaga, dahil hindi sila naniniwala sa tuli. Anyway, lahat
naman sila ay may pinag-aralan and they know that he is
joking. Ginaya pa nga nila eh.

Ito namang isang taga-KFH, na dahil lagi ko ring kasalamuha
(lalim nun) sapagkat sya ang nag-aayos ng mga problemang
ibinibigay sa akin ng DLL nila, ay naging kaibigan ko na
rin. Minsan, nasabi nitong isa kong kasama na gusto raw nya
pumunta sa Pilipinas. Sagot ba naman nya, "What will you do
there? STay here, its dangerous there, they will kill you."
Ganun pala perception nila sa Pilipinas, kilalang kilala
kasi nila ang Abu Sayyaf. Dahil sa Abu-Sayyaf, they think
that it is dangerous to go to the Philippines. Kahit
nakangiti sya and the whole thing he said was a joke,
naisip ko pa rin kung gaanong kasamang epekto ang idinulot
ng Abu Sayyaf sa Pilipinas. Sino nga naman pupunta sa Pinas
if they think na pag pumunta ka doon, they will kill you.

Sige, tama na. Wala na akong masabi. Real-life joke.
Tumawag si Avinash sa Indian restaurant, nagpapadeliver din
ng pagkain. Nung huli na, sabi nya, "that's all". Ang sagot
nung nasa kabilang linya, "Sorry sir but we don't have
that's all". Akala nya, umoorder din sya ng "that's all".
Hehehe. Kaano-ano kaya nun si Eddie Gil?? Wala lang.

Masalam.




Ad: