marhgil

marhgiL's kukote
2004-02-21 20:55:43 (UTC)

Kuwait to Qatar to Kuwait

Hay naku. Nakakapagod ang maghapon. Pumasok ako ng 8:30,
nagtroubleshoot ng problema sa KFH, pagdating ng 2:30PM,
nagpunta sa airport. Umexit ako papunta sa Qatar. Pagdating
sa Qatar, paglabas ko ng airport, pumunta na ulit ako sa
departure, nagcheck-in na naman, para bumalik na sa Kuwait.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang palakad ng
Kuwaiti government, bakit hindi pa nila bigyan ng mahabang
extension, kahit 3 months, pinayayaman pa nila ang
eroplano. Gusto pa magexit. Nakakahilo din at laking abala
na kailangan mo pang sumakay ng eroplano back and forth
just to renew your visa. Anyway, nakarating namang
maluwalhati. This is the first time in my life na nagtravel
ako, nakarating ng dalawang country in just one day. Yun
lang muna....




Ad: