2004-05-09 20:06:46 (UTC)
Draw??
Ayoko sana magpost ngayon, but I can't stop myself na
palampasin ang mga huling pangyayari without giving my
comments. Naghanap talaga ako ng channel kagabi kung saan
pwede kong mapanood ang laban ni Pacman. Kaso, talagang
wala. So, sa internet na lang ako nag-abang ng balita.
Hindi ko napanood ang laban, pero with the articles that I
have read, wala yata akong nabasa na tama ang desisyon ng
judge na draw ang laban. Lahat sila, nagsasabi na nadaya si
Pacquiao. That he knocked Marquez three times in the first
round. Ang matindi pa, umamin yung isang judge, si Clements
na nagkamali daw sya ng pagbigay ng score sa 1st round,
hindi nya raw alam na pwedeng magbigay ng 10-6 na score,
kaya 10-7 ang ibinigay nya. Hay naku, it only shows na life
is really unfair here on earth because there are stupid
people around. Ang masasabi ko lang, everybody knows who
the real winner is. The whole world saw the fight (except
me, hehe), sa atin pa rin ang huling halakhak!!!Sana split
decision yun eh, eto kasing si Clements, scoring laang eh
hindi pa marunong. Dapat naman ay bago sya pumasok at
nagscore ay nagreview muna sya at nagtanong kung hindi sya
sigurado sa isusulat nya. Dapat ay nag-aral muna sya ng
advanced math kay Sir Ronquillo... hehehe. Anyways,
nangyari na ang nangyari, that is already a part of
history... wala na tayong magagawa... andyan na eh. Pag
nakita ko na laang si Marquez na gagala-gala minsan doon sa
amin sa Ilat.. e babatuhin ko na laang... hehehe. At yung
matandang judge na nagscore ng 115-110, e reregaluhan ko ng
salamin at isang malaking kalabasa para luminaw ang mata.
Hehehe.
Sige po... salam.
|